Pelikulaya Closing Ceremony
To our esteemed Congresswoman, the honorable Geraldine Roman; Miss Universe 2015 and our symbol of confident beauty, Pia Wurztbach; and to our venerable champion in the Senate of the Philippines, honorable Risa Hontiveros; filmmakers, friends at mga beshies namin sa LGBTQIA+ — Maganda pa po kayo sa gabi !
Ito pong muli si Undersecretary Liza Dino-Seguerra, at welcome po sa Closing Program ng Pelikulaya LGBTQIA+ Film Festival.
Sana po ay naging bahagi ng inyong selebrasyon ng Pride Month ang Pelikulaya sa FDCP Channel, dahil hindi rin namin sure kung kailan namin mapagsasamang muli ang lahat ng magagandang mga pelikulang inspired ng ating komunidad sa isang festival na ganito. Malamang ay sa susunod na Pelikulaya 2022 na, dahil nga every year na natin ipagdiriwang ang festival na ito. Aasahan namin muli ang inyong pagtangkilik syempre.
This festival was also very special dahil sa napakagagandang series of talks and forums na nasa program natin. Hindi lang tayo na-entertain nang husto, naging makahulugan pa at kinapulutan ng maraming kaalaman ang mga naganap na panel discussions —
Yung mga kwentong buhay nila Rod Singh, Fifth Solomon, Zar Donato, Miguel Odron, Kim Timan at Phi Palmos na nakaka-inspire, at yung naging journey nila sa pagiging confident sa sarili nilang expression ng freedom —
Yung tungkol sa mga ginampanan nilang mga LGBTQIA roles sa kanilang mga pelikula at TV shows, nila Adrian Lindayag, Anthony Falcon, EJ Jallorina, Petersen Vargas, Jade Castro at ni Miss Angeli Bayani —
Yung mga kontrobersyal na usapin tungkol sa Same Sex Union, SOGIE Equality Bill, at ibang pang issue tungkol sa pag-aasawa ng LBGT couples, with Noel Escondo at Andoy Ranay, John Lapus, Perci Intalan at Ice Seguerra —
Yung usapan about support systems sa members ng LGBTQIA especially during this pandemic time…narining natin ang usap-usapan nila Kiko Dacanay ng The Love Yourself Foundation, ni Pat Bringas ng UP Babaylan, Mikee Inton-Campbell of the Society of Transsexual Women of the Philippines, Chase Tolentino of the Transman Equality and Awareness Movement, at ni Angel Romero ng LGBT Chamber of Commerce, with Mela Habijan as moderator —
Isama na natin yun makasaysayang lecture ni Professor Nick de Ocampo on Philippine Queer Cinema and the depiction of LGBT characters sa pelikula.
E, yung Yo Gay Drag Yoga Session natin with Lucinda Sky aka Brian Moreno?
At ang walang-atrasang, walang kinatatakutang SAMA SAMA LAHAT RARAMPA : Rampa For A Cause Fashion Show —
Kulang na lamang ay ang physical na Pride Parade with floats, balloons and confetti, pero nagawa natin ang lahat ng ito with the same love, passion and camaraderie, dahil sa kagustuhan nating lahat to make a strong statement - Nandito Tayong Lahat at Magkakasama sa Layunin, at wala tayong hindi gagawin para makamit ang mga layunin ng ating komunidad!
Kaya sa lahat ng mga nakasama namin sa mga panel discussion at forum, sa lahat ng mga producers and filmmakers ng mga pelikulang napanuod natin sa festival, at sa mga kapatid at ka-alyado natin sa kamara at sa gobyerno — Isa po akong pusong maalab na nagpapasalamat, sampu ng buong LGBT community dito sa Pilipinas.
So tuloy natin ang rampa kahit ba closing program ito. Ituloy natin ang laban para sa karapatan natin at kabuhayan. Ituloy natin ang sama-sama at hawak-kamay na pag - “sashay sa runway” ng buhay, kahit nasaan ka ngayon at kahit saan ka papunta, dahil anumang kulay o anumang letra ka, kasama ka sa tagumpay nating lahat. Dapat ang Pride Day, araw araw, buwan buwan, taon taon !
Mabuhay po ang LGBTQUIA+ ng Pilipinas! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino! At mabuhay po tayong lahat!