Liza Dino surprised by her appointment as FDCP chairperson
Muling nilinaw ng aktres na si Liza Dio na hindi niya hinangad na pamunuan ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Sa panayam News To Go kanina, August 15, sinabi ng bagong chairperson ng FDCP na hindi nila inasahan ng kanyang partner na si Aiza Seguerra na magkakaroon sila ng puwesto sa gobyerno nang ideklara nila ang kanilang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sabi ni Liza, “I think wala sa mga supporters ang may ganung expectations.
“The very reason why we volunteered because we wanted him to win without any intention of having any position.
“I would like to clarify also that with this position, it was offered to us and we also agreed.
"Nag-extend din kami ng interest, sinabi namin na if we can help the government, why not?”
Noong nakaraang linggo ay itinalaga rin bilang bagong chairperson ng National Youth Commission (NYC) si Aiza.
Paglilinaw pa ni Liza, “Ang first lang namin na ginagawa is to really have a courtesy call with the President, that was what we wanted.
“We never applied for anything. But according to the President's office, they are interested to have us help him.
“So, pinag-usapan namin ni Aiza. Sabi ko, 'You know what, it's a good idea.'
“Hindi naman namin alam kung anong posisyon, let's try.
“Then, ito na lang, dumating na lang siya.
“Siyempre, lahat yun hindi naman namin alam. We don't have any hand on it, e.
“Ako, I don't want to believe it.
“I got the appointment letter and I received it from FDCP office itself last Friday [August 12].
“So, hindi ko rin alam na yun na pala 'yon, nagulat lang din ako.”
HELPING THE FILM INDUSTRY. Ngayong linggo magsisimula si Liza sa kanyang tungkulin bilang bagong chairperson ng FDCP.
Sa kanyang pamumuno, umaasa si Liza na matulungan ang industriya ng pelikula sa abot ng kanyang makakaya.
Saad niya, “So far, ang dami nating milestones na na-achieve.
“What we can do right now is to strengthen and recognize our film industry as an industry.
“Yun ang actually hindi pa natin nagagawa. That's going to be a priority once I take this position.
“Nasa mandato ng FDCP to work with bureaus and make new policies and procedures as possible.”
Isa raw sa mga nais pagtuunan ng pansin ni Liza ay ang pagtulong sa mga taong nagtatrabaho sa loob ng film industry.
“Ang main concern natin is, as film workers or as movie workers, wala kaming classification sa DOLE [Department of Labor and Employment].
“Hindi mo alam kung saan ika-classify ang workers.
“That's why nagkakaproblema sa welfare, nagkakaroon ng problema pagdating sa mga working conditions, it's because of this.”
Nais din daw ni Liza na matutunan ng filmmakers kung paano pa maipapalaganap ang kanilang mga proyekto dito, pati na ibang bansa.
Paliwanag ng taktres, “Actually, right now, ang dami nang private sectors na nagbibigay ng grant.
“But what we have to do is to create a very healthy ecosystem sa film industry.
“That is, nakakalimutan natin yung sa part ng distribution, I think yun ang puwedeng maging move ng FDCP ngayon.
"To give assistance, to teach filmmakers on how to address itong marketing and distribution.
“Ang nangyayari kasi sa films ngayon, once na ipinalabas na sa festival, hindi na alam kung saan dadalhin.
“Kasi nga, hindi na natin alam kung paano ima-market ang pelikula.”
Sabi pa niya sa huli, “Siguro magtulung-tulong ang mga filmmakers at mga tao sa industriya, even theater owners and producers, to come up with solutions to protect our industry.”
Source: PEP.PH